Ang mga suspect ay nakilalang sina Supt. Mamerto Poblete at Sr. Inspector Michael Sanchez na kapwa isinailalim din sa preventive suspension matapos sampahan ng kasong administratibo ng pamilya ng kanilang mga naging biktima.
Ang dalawang opisyal ay ipinakulong ni Lomibao, habang isinasailalim ang mga ito sa masusing imbestigasyon sa PNP-Directorate for Investigative and Detective Management (DIDM).
Nabatid na si Sanchez ay kasalukuyan nang nakakulong sa Quezon City Police Headquarters sa Camp Karingal kaya ipinalipat ito ng detention sa PNP Custodial Center habang si Poblete ay nakatalaga naman sa Headquarters and Support Service sa Camp Crame.
Magugunita na noong Disyembre 24 ay binaril at napatay ni Poblete ang 22 anyos na si Jilbert Javier sa Noveleta, Cavite. Si Poblete ay sinampahan ng kasong administratibo ng ama at ina ni Javier na sina Rolando at Erlinda.
Samantalang mismong araw naman ng Pasko ay binaril naman ni Sanchez ang magkapatid na Froilan Jimeno, 36; at Arnold Jimeno, 28, dahil lamang sa simpleng pagtatalo sa trapiko sa Novaliches, Quezon City,
Ang nakakatandang kapatid ng dalawang biktima na si Ferdinand Jimeno, 40, ay namatay din dahil sa atake sa puso matapos mabatid ang nangyari sa kanyang mga utol. (Joy Cantos)