150 pamilya nawalan ng tahanan sa paputok
January 2, 2006 | 12:00am
Umaabot sa 150 pamilya ang nawalan ng kanilang tahanan matapos na tupukin ng apoy ang kanilang mga kabahayan dahil lamang sa firecrakers ilang minuto matapos ang pagsalubong ng Bagong Taon, sa Tondo, Maynila.
Ayon kay Adan Bithao ng Manila Arson Investigation Department na nagsimula ang sunog dakong alas-12:15 ng madaling-araw sa isa sa mga bahay sa Luzon St., Magdalena, Tondo, nabanggit na lungsod.
Agad na kumalat ang apoy sa ilang mga kabahayan hanggang sa umabot sa 5th alarm ang sunog sa loob lamang ng 15 minutos.
Sinabi pa ni Bithao na tinatayang umaabot sa P.3 milyon ang tinupok na mga ari-arian ng nasabing apoy na idineklarang fire out dakong ala-1:42 ng madaling-araw.
Isang sunog rin ang naganap sa Hermosa, Tondo na ikinatupok naman ng limang kabahayan.
Umabot rin sa 5th alarm ang nasabing sunog at sinasabing nahirapan ang mga bumbero sa pagpatay ng apoy dahil sa masikip ang mga kalye papasok sa nasabing lugar.
Umabot naman sa P.25 milyon ang natupok na ari-arian sa nasabing sunog na idineklara namang fire out dakong ala-1:44 ng madaling-araw.
Wala namang iniulat na nasawi o nasugatan sa mga nasabing insidente.
"Nagsimula yung sunog sa kainitan ng putukan kaya hindi natin maiwasang isipin na paputok ang pinagmulan", ayon pa kay Bithao. (Edu Punay)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended