Kinilala ni QCPD Director Chief Supt. Nicasio Radovan ang suspect na si Elpidio Higana, umanoy lider ng isang gang sa nabanggit na probinsiya na matagal ng nagtatago sa batas.
Si Higana ay naaresto sa San Roque, Brgy. Pag-asa, dakong 1:30 ng hapon, kahapon.
Nabatid pa sa pulisya na si Higana ay itinuturing na pangunahing suspect sa Dicamon Massacre noong 1992 sa Agusan del Sur na ikinasawi ng anim katao.
Ang pagkakaaresto umano kay Higana ay bunga ng tatlong araw na walang patid na operasyon mula noong Disyembre 30, 2005.
Napag-alaman pa na nauna nang naaresto ng awtoridad ang mga kasamahang suspect ni Higana ilang taon na ang nakakalipas matapos ang nasabing madugong massacre, bagamat si Higana ay nagawang makatakas at magtago sa batas ng mahigit sa isang dekada.
Kasalukuyan ngayong nakakulong ang suspect sa QCPD headquarters sa Camp Karingal at nakatakda itong iharap sa media. (Rose Tamayo)