^

Metro

Suspect sa 1992 Agusan del Sur massacre tiklo sa QC

-
Naaresto kahapon ng hapon ng pinagsanib na elemento ng Quezon City Police District-Special Weapons and Tactics Team at R2-CARAGA ang prinicipal suspect sa Agusan del Sur massacre na ikinasawi ng anim katao mahigit 14 taon na ang nakakalipas.

Kinilala ni QCPD Director Chief Supt. Nicasio Radovan ang suspect na si Elpidio Higana, umano’y lider ng isang gang sa nabanggit na probinsiya na matagal ng nagtatago sa batas.

Si Higana ay naaresto sa San Roque, Brgy. Pag-asa, dakong 1:30 ng hapon, kahapon.

Nabatid pa sa pulisya na si Higana ay itinuturing na pangunahing suspect sa Dicamon Massacre noong 1992 sa Agusan del Sur na ikinasawi ng anim katao.

Ang pagkakaaresto umano kay Higana ay bunga ng tatlong araw na walang patid na operasyon mula noong Disyembre 30, 2005.

Napag-alaman pa na nauna nang naaresto ng awtoridad ang mga kasamahang suspect ni Higana ilang taon na ang nakakalipas matapos ang nasabing madugong massacre, bagama’t si Higana ay nagawang makatakas at magtago sa batas ng mahigit sa isang dekada.

Kasalukuyan ngayong nakakulong ang suspect sa QCPD headquarters sa Camp Karingal at nakatakda itong iharap sa media. (Rose Tamayo)

AGUSAN

CAMP KARINGAL

DICAMON MASSACRE

DIRECTOR CHIEF SUPT

ELPIDIO HIGANA

HIGANA

NICASIO RADOVAN

QUEZON CITY POLICE DISTRICT-SPECIAL WEAPONS AND TACTICS TEAM

ROSE TAMAYO

SAN ROQUE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with