^

Metro

Manhunt sa mga suspect sa Malabon ambush, inilunsad

-
Maglalabas ngayong araw ang pulisya ng apat na cartographic sketch kabilang ang isang babae at isang litrato ng mga suspect sa pananambang sa isang negosyante kung saan isa pang tauhan ng huli ang namatay habang ginagamot, kamakalawa ng hapon sa Malabon City.

Kinilala ni P/Sr. Supt. Moises Guevarra ang isa pang biktima na nasawi habang ginagamot sa East Avenue Medical Center sanhi ng mga tama ng bala ng baril sa katawan na si Wilfredo Minlay, 50, ng 23 Manapat St., Brgy. Tañong ng lungsod.

Kasalukuyan pa ring ginagamot sa Manila Doctors Hospital sina Alicia San Pablo, 53, fish trader ng Victoria Village, Valenzuela City at Rosenda Gutierrez na pawang nagtamo ng bala ng baril sa katawan.

Dead-on-the-spot naman ang tatlong tauhan ni San Pablo sanhi ng mga tama ng bala ng baril sa katawan sina Michael Gabat, Benjamin Flopino at isang nakilala lamang sa alyas na Jonjon Notorious samantalang namatay naman habang ginagamot sa Pagamutang Bayan ng Malabon ang isa sa mga suspect na hindi pa nakikilala.

Magugunita na dakong alas-10 kamakalawa ng tanghali nang tambangan ng hindi bababa sa walong hindi pa nakikilalang mga suspect ang mga biktima sa M.H. del Pilar St., kanto ng Sanchez St., Malabon City.

Nabatid na lulan ng Nissan Sentra na kulay gray (XMX-190) ang dalawang babae na minamaneho ni Flopino habang lulan naman ng itim na Starex van (XFN-406) sina Jonjon at Gabat at iba pang tauhan ng negosyante na minamaneho ni Edmundo Ordinario nang paulanan ng bala ng mga suspect.

Nakaganti naman ng putok ang mga tauhan ng negosyante at natamaan ang isa sa mga suspect. (Rose Tamayo)

vuukle comment

ALICIA SAN PABLO

BENJAMIN FLOPINO

EAST AVENUE MEDICAL CENTER

EDMUNDO ORDINARIO

JONJON NOTORIOUS

MALABON CITY

MANAPAT ST.

MANILA DOCTORS HOSPITAL

MICHAEL GABAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with