Ayon kay QCPD director Chief Supt. Nicasio Radovan Jr. pinakakalap na niya ang lahat ng mga testigo upang magbigay ng detalye hinggil sa pagkakakilanlan at itsura ng mga suspect na sinasabing magka-angkas sa motor ng isagawa ang pamamaril kay Roberto Ramoya.
Inihahanda na rin ang cartographic sketch ng mga suspect upang agad na maipakalat sa publiko at madakip at masampahan ng kaukulang kaso.
Si Ramoya ay nagtamo ng isang tama ng bala ng baril sa dibdib na lumusot sa kanang balikat at sa kanang kamay nito habang mabilis namang tumakas ang dalawang hindi pa nakikilalang suspect na kapwa armado umano ng kalibre .45 baril at magka-angkas sa hindi naplakahang motorsiklo.
Pinasisiyasat din ni Radovan ang anggulo na pagpapautang ng biktima kung posibleng motibo sa isinagawang pagpaslang.
Batay sa rekord ng pulisya, dakong alas-7:30 ng gabi nang paputukan ng mga suspect ang biktima sa parking area na nasa bahagi ng Mother Ignacia St. malapit sa compound ng ABS-CBN. (Doris Franche)