Bukod dito, hindi na nagbigay pa ng anumang komento si Fernando kaugnay sa nasabing isyu kasabay nang pagsasabing hanggang sa ngayon ay hindi nito natatanggap ang Supreme Court decision.
Ayon sa ilang detractors ng MMDA, ginagawa umanong "palabigasan" ng ahensiya ang ticketing system kung kaya ayaw nilang bumitaw dito.
Ayon kay Florencio Mateo, hepe ng Pasay City Traffic Management Office na kumikita ng P80 milyong piso kada buwan sa paniniket ang MMDA at 20 porsiyento lamang nito ang napupunta sa mga deputized local traffic enforcers.
Iginiit pa ni Mateo na tinanggalan na ng power ng SC ang MMDA dahil simulat sapul ay coordinating body lamang ang naturang ahensiya at walang malinaw na batas na nag-aapruba na sila ay may police power. (Lordeth Bonilla)