Tulak sinamurai sa shabung tawas
December 29, 2005 | 12:00am
Sinaksak at napatay ang isang sinasabing pusher ng isang hindi nakikilalang lalaki makaraang bentahan ng una ang huli ng pekeng shabu na napag-alamang tawas, kahapon ng umaga sa Malabon City.
Namatay noon din sanhi ng isang tama ng saksak sa katawan si Manuelito Apundo, 30, ng 35 Dulong Hernandez St., Brgy. Catmon ng nabanggit na bayan.
Batay sa ulat, dakong alas-9:30 nang maganap ang insidente sa kahabaan ng Fluve Homes, Phase 5, Brgy. Tonsuya ng nasabing lungsod.
Ayon sa ilang residente sa nasabing lugar, nakita nilang may hawak na samurai ang suspect at hinahabol nito ang biktima.
Sinabi pa ng mga ito na nang abutan ng suspect ang biktima ay narinig nilang sinabi ng salarin na "hindi mo ko kayang lokohin, hindi shabu ang ibinenta mo sa akin kundi tawas".
Matapos saksakin ng suspect ang biktima ay mabilis itong tumakas dala ang ginamit na samurai. (Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended