^

Metro

It’s final: MMDA walang police powers

-
Tuluyan nang nawalan ng police powers o kapangyarihan ang mga kagawad ng Metro Manila Development Authority (MMDA) makaraang magpalabas ng pinal at non-appealable decision ang Korte Suprema ukol dito.

Tuluyan nang ibinasura ng Mataas na Hukuman ang mosyon ng MMDA na humihiling na ibasura ng una ang nauna nitong desisyon na ipinalabas noong Abril 15, 2005 na nagbabawal dito na manghuli o magkumpiska ng lisensiya at mag-isyu ng Traffic Operating permit sa mga motorista.

Ikinatuwiran ng SC 2nd Division na walang bagong argumento na inihain ang MMDA para baliktarin nito ang naunang desisyon na pumapabor sa mga motorista.

Binigyang diin pa ng SC na ilegal ang pagkakabuo sa Section 5F ng Republic Act 7924 kung saan nagbibigay ng kapangyarihan sa MMDA na mangumpiska at magsuspinde ng lisensiya ng mga drivers.

Bunga nito’y matitigil na ang pagtatalo sa pagitan ng mga Metro Manila Mayors at ng MMDA sa pagkakaroon ng Traffic Ticketing System sa Metro Manila.

Ipinaliwanag pa ng SC na kinakailangan na mayroong malinaw na batas na nag-aatas sa MMDA para magsagawa ng anumang uri ng ‘paglilinis’ sa mga kalsada.

Ang nasabing desisyon ay alinsunod sa petition na isinumite ng isang nagngangalang Dante Garin sa Mababang Hukuman kung saan kinukuwestiyon nito ang kapangyarihan ng MMDA na mag-isyu ng Traffic Violation Receipt (TVR) na ngayon ay TOP. (Grace Amargo)
MMDA Officials Tikom Ang Bibig
Tikom naman ang bibig ng mga opisyal ng MMDA tungkol sa naging pronouncement ng Supreme Court.

Hindi rin makontak si MMDA Chairman Bayani Fernando, gayunman sa ilang radio reports sinabi umano nitong irerespeto niya ang desisyon ng high tribunal, gayunman hihintayin pa umano nila ang kopya ng desisyon.

Ayon naman kina MMDA Deputy Chairman Cesar Lacuna at Executive Director Angelito Vergel de Dios na hindi sila maaaring makapagbigay ng anumang komento sa kasalukuyan.

Sinabi pa ni Lacuna na tatalakayin nila ang naturang isyu sa itinakda nilang meeting ngayong araw na ito bago sila mag-isyu ng anumang statement.

Samantala, inaasahang magkakaroon ng mainitang pagtatalo sa mga lansangan kaugnay sa naturang desisyon ng SC.

Sinabi ng ilang traffic enforcers na kung noong may police power ang ahensiya marami na ang umaabusong mga driver at motorista, sigurado umano ngayon na lalong maglalabis ang mga ito at mawawala na ang disiplina sa lansangan. (Michael Punongbayan at Lordeth Bonilla)
Transport Groups Natuwa
Nagpahayag naman ng kasiyahan ang hanay ng transportasyon hinggil sa naging desisyon ng Korte Suprema na ibasura ang police power ng MMDA.

Ayon kay Mar Gavida, pangulo ng Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide (PISTON) wala nang dahilan upang umabuso pa ang MMDA traffic enforcers sa kanilang tungkulin dahil ang gawain na lamang ng mga ito ay ayudahan ang mga motorista at hindi na makapanghuhuli ng mga traffic violators.

Kapuri-puri umano ang naging desisyon ng SC sa pagbali sa pakpak ni Chairman Fernando, ayon naman kay PISTON spokesman George San Mateo.

Kaugnay nito, umaasa ang transport group na susundin na lamang ni Fernando ang desisyon ng SC dahil sa pinal na ito at hindi na maaari pang iapela. (Angie dela Cruz)

vuukle comment

AYON

CHAIRMAN BAYANI FERNANDO

CHAIRMAN FERNANDO

DANTE GARIN

DEPUTY CHAIRMAN CESAR LACUNA

DESISYON

KORTE SUPREMA

MMDA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with