^

Metro

Terminal 3 sa NAIA ready na sa Marso

-
Bubuksan sa Marso o sa unang linggo ng Abril ng taong 2006 ang kontrobersiyal na Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 sa loob ng Villamor Air Base, Pasay City.

Ang state-of-the-art na airport na nagkakahalaga ng $600 milyon ay may tatlong taon nang nakabimbin makaraang ideklara ng Supreme Court na null and void ang "Build-Operate-Transfer" (BOT) na kontratang nilagdaan ng Philippine International Air Terminals Co., ang consortium na gumawa ng terminal.

Sinabi kahapon ni Manila International Airport Authority (MIAA) general manager Alfonso G. Cusi na "Hopefully by the end of March or early April, mabubuksan ang Terminal 3. Right now, the airport’s Japanese contractor Takenaka Corp. is completing its work in preparation for the scheduled opening."

Ayon kay Cusi, puspusan ang isinasagawang pagkukumpuni ng Japanese contractor sa nasabing modernong paliparan makaraang pumayag ang administrasyong Arroyo sa termino ng Takenaka Corp.

Nagbigay ng $10 milyon ang gobyerno sa Japanese contractor bilang "initial payment" para makumpleto ang nabanggit na bagong airport terminal.

Sinabi ni Cusi na "Malacañang Palace directed the MIAA to forge a working agreement with Takenaka within the month so that completion work at NAIA 3 could start in the first quarter of 2006."

Magugunita na ilang opposition lawmakers ang kumukuwestiyon sa legalidad ng NAIA 3 na ngayon ay isa nang "white elephant" dahil sa hindi nito pagbubukas at sa patuloy na nagdi-deteriorate ng mga ultra-modern na kasangkapan sa loob nito. (Butch Quejada)

ALFONSO G

BUTCH QUEJADA

CUSI

MANILA INTERNATIONAL AIRPORT AUTHORITY

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

PASAY CITY

PHILIPPINE INTERNATIONAL AIR TERMINALS CO

SINABI

TAKENAKA CORP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with