Pulis tinarakan ng vendor
December 27, 2005 | 12:00am
Isang pulis-Quezon City ang pinagsasaksak hanggang sa mapatay ng isang pinaghihinalaang vendor habang nagsasagawa ng routine inspection ang una, kamakalawa ng gabi sa kahabaan ng Commonwealth Avenue sa Quezon City.
Nakilala ang nasawing pulis na si SPO4 Reynaldo Angeles, 53, ng Blk. 53 Lot 32, Lagro Subdivision, Novaliches, Quezon City at nakadestino sa QC Police Station Precinct 4 sa Batasan Complex, Quezon City.
Sa imbestigasyon ni SPO1 Salvador Buenviaje ng QC Criminal Investigation Inspection Division, ganap na alas-6:10 ng gabi nang maganap ang krimen sa nabanggit na lugar.
Nabatid na nagsasagawa ng pagpapatrulya ang pulis nang biglang sumulpot ang suspect na pinaniniwalaang isa sa mga illegal vendor sa lugar at agad itong inundayan ng sunud-sunod na saksak sa katawan.
Malaki ang paniwalang paghihiganti ang motibo sa isinagawang pagpaslang sa pulis.
Gayunman, isang masusing imbestigasyon pa ang isinasagawa ng mga awtoridad at ang pagkilala at pagtugis sa suspect. (Angie dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended