Banko sa Makati nilooban
December 26, 2005 | 12:00am
Tinitingnan ang anggulong inside job makaraang nakawan ng mga baril na tinatayang nasa daang libong piso ang halaga ng hindi pa nakikilalang mga suspect ang head office ng Planters Bank, kahapon ng umaga sa Makati City.
Ayon kay Isagani Milon, 45-anyos, security manager ng FCA Security Agency and General Services at nakatalaga sa naturang banko na dakong alas-5:20 ng umaga nang madiskubre ng kanyang tanggapan na nawawala ang walong caliber .38 Armscor mismo sa loob ng Planters Bank na matatagpuan sa 3314 Sen. Gil Puyat Avenue, nabanggit na lungsod.
Napag-alaman na ang naturang mga armas ay service firearm na ginagamit ng mga nakatalagang guwardiya ng nabanggit na banko.
Sa ngayon ay blangko pa ang pulisya kung sino ang mga taong responsable sa nabanggit na nakawan.
Hindi naman inaalis ang anggulong inside job sa nasabing insidente kung saan ay masusing iimbestigahan ang mga nakatalagang guwardiya at ilang mga empleyado ng banko. (Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended