3 arestado sa pagpatay
December 26, 2005 | 12:00am
Tatlong kalalakihan ang inaresto ng mga tauhan ng Quezon City Police District-Criminal Investigation Division (QCPD-CID) makaraang pagtulungang pagsasaksakin ng mga ito hanggang sa mapatay ang kanilang 26-anyos na kapitbahay, kahapon ng madaling araw sa Quezon City.
Kinilala ni P/Supt. Popoy Lipana, hepe ng QCPD-CID ang mga suspect na sina Nilo Ponsillado, 40-anyos, may-asawa; Jerry Lumen, 32; at Rene Hermoso, 32, na pawang naninirahan sa 8th St., Brgy. Marina, New Manila, nabanggit na lungsod.
Batay sa ulat ng pulisya, dinakip ang mga suspect makaraang pagtulungang pagsasaksakin ng mga ito hanggang sa masawi ang biktima na si Panfilo Obus, may-asawa, driver ng #8, 8th St., Brgy. Marina, New Manila, Quezon City.
Dead-on-the-spot sa pinangyarihan ng insidente ang biktima makaraang magtamo ng maraming tama ng saksak sa katawan.
Lumalabas sa imbestigasyon na dakong alas-2 ng madaling-araw nang maganap ang insidente sa harap ng bahay ng biktima, habang ang mga ito ay masayang nagki-Christmas party.
Nang malasing na umano ang biktima ay nagpapaalam na ito sa mga suspect ngunit ikinagalit umano ni Lumen ang pag-alis ng una at sinabi nito na maaga pa at marami pang iinuming alak.
Ngunit nagpumilit na umuwi at tumayo sa kinauupuan ang biktima.
Hinabol naman ni Lumen ang biktima, kasunod ang dalawa pang suspect na sina Ponsillado at Hermoso ngunit armado na pala ang mga ito ng patalim at pinagtulungang saksakin ang una.
Hindi na nagawang makatakbo ng biktima palayo sa mga suspect sanhi ng mga tinamong tama ng saksak sa katawan na ikinamatay nito noon din sa pinangyarihan ng insidente.
Kasalukuyang nakakulong ang mga suspect sa detention cell ng CID.
Inihahanda rin ang pagsasampa ng kaukulang kaso laban sa mga ito upang papanagutin sa nasabing krimen. (Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended