Batay sa ulat, dakong alas-3:40 ng hapon nang magsimula ang sunog sa unang palapag ng Saint Martin de Pores Hospital na matatagpuan sa panulukan ng A. Bonifacio at Blumintrit Sts., Brgy. Kabayanan, nabanggit na lungsod.
Nabatid kay SPO3 Chandler Arcadio ng Bureau of Fire and Protection ng San Juan na nagsimula ang sunog nang sumabog umano ang isang uri ng kemikal sa loob ng laboratoryo na nasa unang palapag ng ospital.
Mabilis na kumalat ang apoy na agad namang napansin ng mga duty nurses na agad na tumawag ng bumbero.
Habang abala sa pag-apula ng apoy ang mga bumbero ay nagtulung-tulong naman ang mga nurses, staff ng ospital at mga concerned citizens sa pagligtas sa mga pasyente na inilipat sa kalapit na San Juan Medical Center.
Nabatid na umabot sa 5th alarm ang nasabing sunog na tumagal ng halos kalahating oras bago ideklarang under control. (Edwin Balasa)