^

Metro

P6-M naabo sa nasunog na ospital

-
Mahigit sa P6 milyon ang naabo makaraang masunog ang isang ospital nang sumabog ang mga kemikal na nasa laboratoryo nito, kamakalawa ng hapon sa San Juan, Metro Manila.

Batay sa ulat, dakong alas-3:40 ng hapon nang magsimula ang sunog sa unang palapag ng Saint Martin de Pores Hospital na matatagpuan sa panulukan ng A. Bonifacio at Blumintrit Sts., Brgy. Kabayanan, nabanggit na lungsod.

Nabatid kay SPO3 Chandler Arcadio ng Bureau of Fire and Protection ng San Juan na nagsimula ang sunog nang sumabog umano ang isang uri ng kemikal sa loob ng laboratoryo na nasa unang palapag ng ospital.

Mabilis na kumalat ang apoy na agad namang napansin ng mga duty nurses na agad na tumawag ng bumbero.

Habang abala sa pag-apula ng apoy ang mga bumbero ay nagtulung-tulong naman ang mga nurses, staff ng ospital at mga concerned citizens sa pagligtas sa mga pasyente na inilipat sa kalapit na San Juan Medical Center.

Nabatid na umabot sa 5th alarm ang nasabing sunog na tumagal ng halos kalahating oras bago ideklarang under control. (Edwin Balasa)

vuukle comment

BLUMINTRIT STS

BUREAU OF FIRE AND PROTECTION

CHANDLER ARCADIO

EDWIN BALASA

METRO MANILA

NABATID

PORES HOSPITAL

SAINT MARTIN

SAN JUAN

SAN JUAN MEDICAL CENTER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with