Lola patay sa sunog
December 23, 2005 | 12:00am
Isang 90-anyos na lola ang iniulat na nasawi, samantalang tuluyang na-cremate ang labi ng isang nakaburol na lalaki sa malaking sunog na sumiklab kahapon ng madaling-araw sa Pasay City.
Kaugnay nito, aabot sa P50 milyon ang halaga ng napinsala sa naganap na sunog na umabot sa Task Force Delta.
Nakilala ang nasawing lola na si Benita Valle, nakatira sa Tramo Riverside at naabo naman ang nakaburol na bangkay ni William Binasa.
Sa inisyal na imbestigasyon ni SFO3 Renato Recto, ng Pasay City Fire Department nagsimulang kumalat ang apoy sa bahay ni Sheila Salayaw sa panulukan ng Tramo Riverside at Virata St., Pasay City dakong alas-9 ng gabi.
Dahil dito, kumalat ang apoy sa kalapit kabahayan na tinatayang aabot sa may 500 ang bilang.
Umabot sa TK Delta ang alarma ng sunog at umabot ng ilang oras bago ito naapula. (Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended