Binata todas sa riot

Hindi na umabot ng Pasko ang isang binata matapos na mabaril nang magkaroon ng riot, kahapon ng madaling-araw sa Caloocan City.

Patay na nang idating sa Chinese General Hospital sanhi ng tama ng bala ng baril sa kanang mata ang biktimang si Adonis Aaron Dera, 19, estudyante ng 3 Buhagan St., Bo. San Jose ng nasabing lungsod.

Pinaghahanap naman si Jericho Cruz, alyas "Boyong", 22, ng 488 Tagaytay St. ng nasabing lungsod at anim pa nitong kabarkada na nakaaway ng grupo ng biktima.

Batay sa ulat, dakong ala-1:30 ng madaling araw nang maganap ang insidente sa kahabaan ng Buhagan St.

Nabatid na nagpang-abot ang grupo ng biktima at mga suspect hanggang sa barilin ni Cruz si Dera.

Matapos ang isinagawang pamamaril ay agad na nagsitakas ang grupo ni Cruz, habang agad na dinala sa pagamutan ang biktima subalit hindi na ito nakaligtas. (Rose Tamayo)

Show comments