Fil-Chinese trader kinidnap
December 23, 2005 | 12:00am
Dinukot ng hindi pa nakikilalang mga armadong kalalakihan na hinihinalang kasapi sa kidnap-for-ransom gang ang isang mayamang negosyanteng Fil-Chinese sa Quezon City, kamakalawa ng gabi.
Ito ang nabatid kahapon sa tanggapan ng Police Anti-Crime Emergency Response (PACER) chief Deputy Director General Oscar Calderon.
Kinilala ang biktima na si William Li ng 318 Roosevelt Avenue, San Francisco del Monte, Quezon City.
Nabatid na ang pagdukot sa biktima ay naganap dakong alas-5:50 ng hapon matapos na harangin ng mga kidnappers ang biktima habang nagmamaneho ito ng kanyang Honda Civic na may plakang UGN-899 sa bisinidad ng West Riverside, Brgy. del Monte, SFDM ng nabanggit na lungsod.
Ang mga suspect na pawang armado ng malalakas na uri ng armas ay lulan ng kotseng Mazda na agad hinarangan ang daraanan ng biktima.
Dalawa sa mga suspect ang bumaba sa kanilang sasakyan at binasag ang salamin ng sasakyan ng biktima. Mabilis na lumayo sa lugar ang mga suspect na tangay ang biktima. (Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended