Piskal patay sa Russian roulette
December 23, 2005 | 12:00am
Isang piskal ang nasawi matapos itong mag-Russian roulette, kahapon ng umaga sa Pasay City.
Binawian ng buhay habang ginagamot sa San Juan de Dios Hospital ang biktimang si Pasay City Assistant Prosecutor Bonifacio Roldan, 42, may-asawa, nakatira sa #216 Patinio St., Malibay, Pasay City, sanhi ng tama ng bala sa ulo buhat sa isang kalibre .38 baril.
Lumalabas sa imbestigasyon ni PO3 Roderick Dean Carza, ng Criminal Investigation Division (CID), Pasay City Police, naganap ang insidente dakong alas-8:30 ng umaga sa loob ng bahay ng biktima sa nabanggit na lugar.
Nabatid na dumating ang ina ng biktima na nakilalang si Beatriz Roldan at naabutan nito na hawak ng biktima ang naturang kalibre ng baril at kanya itong nilalaro.
Sinaway nito ang anak na huwag paglaruan ang baril at laking gulat na lamang ng ina nito nang bigla itong makarinig ng malakas na putok.
Nang lingunin ng ina ang biktima, duguan na itong nakahandusay sa lapag.
Kaagad nilang isinugod sa nabanggit na pagamutan ang piskal ngunit nalagutan na ito ng hininga hanggang nilalapatan ng lunas. Sa ngayon ay patuloy pang iniimbestigahan ang nasabing kaso. (Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended