Kolehiyala halinhinang ginahasa ng 2 barkada

Kalaboso ang dalawang kalalakihan makaraang halinhinan umanong gahasain ang isang magandang estudyante na kanilang kabarkada, kamakalawa ng gabi sa Marikina City.

Kinilala ang dalawang suspect na sina Jose Luis Christopher Salvador, 19, ng #42 C. Raymundo Avenue, Brgy. Sagad Pasig City at Robby Marco Samaco, 20, ng #7 K-93 Phase 2-A Karangalan Village, Brgy. Dela Paz Pasig City.

Ang mga ito ay nahaharap sa kasong rape matapos na mahuling ginagahasa ang kanilang kaibigang itinago sa pangalang Cindy, 22, residente ng Saclet st., SSS Village, Brgy. Concepcion Dos ng lungsod na ito.

Ayon kay Sr. Insp. Jose Ogbac Jr., hepe ng PCP 7 ng Marikina police, naganap ang insidente dakong alas-11:30 ng gabi sa loob ng kuwarto ng biktima.

Bago ang panggagahasa ay niyayang mag-inuman ng biktima sa kanilang bahay ang mga suspect dahil sa kakakalas lang nito sa kanyang boyfriend na kaibigan din nila.

Dahil sa sobrang kalasingan ay nagpasya ang mga suspect na dalhin ang biktima sa kuwarto at doon ay ginahasa.

Tiyempo namang dumating ang ama ng biktima at naabutan ang ginagawang panggagahasa ng mga suspect sa biktima kaya agad itong humingi ng tulong sa mga kapitbahay at ipinaaresto ang mga suspect. (Edwin Balasa)

Show comments