^

Metro

Carjack gang muling sumalakay

-
Muling sumalakay sa lungsod ng Quezon ang kilabot na carjacking syndicate makaraang tangayin ang bagong sasakyan ng isang manager sa bangko, kamakalawa ng gabi.

Ayon kay Supt. Rodolfo Jaraza, hepe ng ANCAR at district police investigation unit (DPIU), tatlong team ang kanyang binuo at ipinakalat upang agad na marekober ang sasakyan ni Omar Byron ng Allied Banking Corporation na Toyota Fortunner na kulay dark at may plakang ZBY-166.

Sa pagsisiyasat ni PO2 Aris San Jose ng Quezon City Police District-Anti Carnapping Unit, agad nilang pinaalarma ang pagkakatangay ng sasakyan ni Byron sa pangamba na agad itong maibenta o i-chop-chop ng sindikato.

Lumilitaw sa imbestigasyon ng pulisya na naganap ang pagtangay sa sasakyan ng biktima dakong alas-10:30 kamakalawa ng gabi sa panulukan ng Congressional at Visayas Avenue sa Quezon City.

Nabatid na isang kulay silver na kotse ang bigla na lamang humarang sa sasakyan ng biktima na minamaneho ng driver nito na si Godofredo Clenuar habang papasok sa Violago Homes III sa Bahay Toro, Quezon City.

Dalawa sa mga suspect ang bumaba ng sasakyan at mabilis na tinutukan ng baril si Clenuar at inagaw ang manibela at saka tinangay patungong Valenzuela.

Patuloy ang isinasagawang manhunt operation laban sa mga suspect. (Doris Franche)

vuukle comment

ALLIED BANKING CORPORATION

ARIS SAN JOSE

BAHAY TORO

DORIS FRANCHE

GODOFREDO CLENUAR

OMAR BYRON

QUEZON CITY

QUEZON CITY POLICE DISTRICT-ANTI CARNAPPING UNIT

RODOLFO JARAZA

TOYOTA FORTUNNER

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with