Xmas bombing nasilat
December 21, 2005 | 12:00am
Nasilat ng mga intelligence operatives ng militar ang planong pambobomba sa Metro Manila partikular na sa mga nightspot sa Malate ngayong Kapaskuhan makaraang masakote ang isang opisyal ng Rajah Solaiman Movement (RSM) terror group sa operasyon sa Zamboanga City.
Kasalukuyan ngayong isinasailalim sa masusing interogasyon ng ISAFP ang suspect na kinilalang si Pio de Vera, number 2 man ng RSM at nagsisilbing operation officer ng lokal na teroristang grupo na may ugnayan sa Jemaah Islamiyah (JI) terrorist group.
Ayon sa mga opisyal, nasakote ng mga ahente ng ISAFP si de Vera habang pababa sa isang pampasaherong barko sa Zambonga City nitong nakalipas na linggo.
Ang suspect ay nasakote sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Cotabato Regional Trial Court sa kasong multiple murder kaugnay ng madugong pambobomba sa Cotabato noong 2002.
Kinumpirma naman ng isang senior military intelligence officer na ikinanta ni de Vera sa interogasyon na planong bombahin ng kanilang grupo ang mga nightspots sa Malate, Manila dahilan maraming nagpupunta ritong mga turista.
Samantalang, nauna nang ibinulgar ng naarestong si RSM leader Hilarion del Rosario Santos, alyas Ahmad Islam Santos na si de Vera ang kanyang kaklase sa explosives training na isinasagawa ng Islamic militants sa Pawas, Maguindanao noong 2002.
Ibinulgar ng opisyal na sinabi ni de Vera na isa pang kasapi sa RSM na si Kareem Ayeras ang responsable sa pagbili at pagmamanupaktura ng mga eksplosibong gagamitin ng naturang teroristang grupo sa pambobomba.
Nabatid naman kay Rear Admiral Tirso Danga, AFP Deputy Chief of Staff for Intelligence (J2) na si Santos ay nagtatag ng training camp kasama ang dalawang puganteng Indonesian terrorist na sina Dulmatin at Omar Patek, pawang sangkot sa Bali bombing sa Indonesia noong 2002 na namonitor na nagtatago sa rehiyon ng Mindanao.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest