Anak ni Jun Aristorenas, huli sa snatching
December 20, 2005 | 12:00am
Bumagsak sa kamay ng mga elemento ng Quezon City Police ang 37-anyos na anak ng dating action star na si Jun Aristorenas nang mahuling nanghablot ito ng bag na naglalaman ng pera at mamahaling cellular phone, kahapon ng umaga sa Quezon City.
Kinilala ni P/Supt. James Brillantes, hepe ng District Intelligence and Investigation Division ng Quezon City Police District ang suspect na si Jonar Aristorenas, alyas James at Gerard Bagatsing, residente ng #127 Doña Soledad Avenue, Better Living Subd., Parañaque City.
Batay na rin sa ulat ng pulisya, dakong alas-8:30 ng umaga nang maganap ang insidente sa tapat ng isang restaurant sa Tomas Morato at Scout Bayoran, South Triangle, Quezon City.
Naglalakad umano ang mga biktimang sina Charmaine Junasa, 35, marketing coordinator ng #4 Don Damasco St., Don Antonio Heights, Quezon City at Karel Honasan, 25, na residente naman ng Dizon St., Industrial Valley Subd., Marikina City nang bigla na lamang hablutin ng suspect ang bag ng isa sa mga biktima na may lamang P2,000 at isang cellular phone na nagkakahalaga ng P12,000.
Agad namang nahuli ang suspect ng mga nagpapatrulyang operatiba ng QCPD Mobile Division at positibo itong kinilala ng mga biktima. (Angie dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended