Kapitan inatado, dedo
December 20, 2005 | 12:00am
Politika at pagnanakaw ang ilan lamang sa anggulong sinisiyasat ngayon ng pulisya makaraang pasukin at patayin sa saksak ang isang barangay chairman sa Maynila ng dalawang hindi kilalang kalalakihan, kahapon ng madaling-araw sa Makati City.
Patay na nang isugod sa Makati Medical Center ang biktimang si Antonieto Chit, 48, may-asawa, barangay chairman ng Barangay 283, Zone 26, 3rd District, Manila na nagtamo ng maraming saksak sa katawan.
Kaagad namang tumakas ang dalawang hindi pa nakikilalang suspect matapos isagawa ang krimen.
Sa report ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-3 sa loob umano ng bahay ng biktima sa #8231 Constancia St., Barangay Olympia, Makati City.
Nabatid na pinasok ang biktima ng mga suspect sa loob ng kuwarto nito habang natutulog at saka ito pinagsasaksak.
Batay na rin sa ulat, duguan ang biktima nang matagpuan ito ng kanyang mga kaanak kung kayat mabilis itong isinugod sa nabanggit na pagamutan, ngunit deniklara itong dead-on-arrival.
Politika at pagnanakaw ang ilan lamang sa mga anggulong iniimbestigahan ngayon ng pulisya at sa nakalap na impormasyon ng pulisya, ang nabanggit na biktima ay malapit na tauhan ni dating Manila 3rd District Congressman Harry Angpin. (Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended