^

Metro

Palengke sa QC hinagisan ng granada

-
Nagkaroon ng stampede at binalot ng sindak ang paligid ng Commonwealth market makaraang hagisan ito ng granada ng isang hinihinalang terorista, kahapon ng umaga sa Quezon City.

Batay sa ulat ng pulisya, dakong alas-7:30 nang hagisan ng M2K hand grenade ang nasabing palengke ng pinaghahanap pa na suspect.

Bagama’t may ilang mga tindera at mamimili ang bahagyang nasugatan sanhi ng pagtakbuhan ay wala namang iniulat na nasawi o napinsala sa nasabing insidente dahil sa maagap na pagresponde ng mga tauhan ng Quezon City Police District-Special Weapon and Tactics (QCPD-SWAT) na nagawang makuha ang granada na sumabit sa bubungan ng gusali ng palengke.

Nabatid sa SWAT na pumalya ang pagsabog ng granada at kung nagkataon na sumambulat ito ay malaking pinsala sa tao at sa mga stalls ng palengke ang magiging dulot nito.

Agad namang inatasan ni QCPD Dir. Gen. Nicasio Radovan ang lahat ng station commanders sa kaniyang kinasasakupan sa agarang pagpapatupad ng police check points sa lungsod upang hindi malusutan ng mga terorista na nagbabalak maghasik ng karahasan sa lungsod partikular na sa Kapaskuhan. (Doris Franche)

BAGAMA

BATAY

DORIS FRANCHE

KAPASKUHAN

NABATID

NAGKAROON

NICASIO RADOVAN

QUEZON CITY

QUEZON CITY POLICE DISTRICT-SPECIAL WEAPON AND TACTICS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with