Apo ni Dolphy wanted sa pagpatay
December 19, 2005 | 12:00am
Isang malawakang manhunt operation ngayon ang isinasagawa ng awtoridad laban sa apo ng comedy king na si Dolphy makaraang pagsasaksakin at mapatay ng suspect ang isang 21-anyos na lalaki, kahapon ng madaling araw sa Quezon City.
Ayon kay Nestor Andalucia, Brgy. chairman ng Brgy. Sienna, ang suspect na si Nico Quizon, 16-anyos na anak ni Freddie Quizon ay pinaghahanap bunga ng pagkamatay ni Joel Tulabot, ng Banawe St., nabanggit na lungsod na nagtamo ng tatlong malalalim na saksak sa ibat ibang parte ng katawan.
Nabatid pa sa pulisya na bukod kay Tulabot ay nagtamo rin ng sugat sa kamay ang isang Julius Ibanez, 16-anyos sa nabanggit na insidente.
Base sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-4:30 ng madaling araw sa panulukan ng Banawe St., at Sct. Alcaraz, Quezon City.
Napag-alaman na dadalo sana sa Simbang Gabi ang mga biktima kasama ang isang Weng Ibanez nang biglang harangin at sugurin ng grupo ni Nico na umanoy armado ng ibat ibang uri ng patalim.
Isang security guard naman ang nakakita sa ginawang pananaksak ni Nico sa biktimang si Tulabot.
Matapos ang pamamaslang ay parang walang nangyaring naglakad papalayo ang grupo ni Nico na sinasabing mga miyembro ng True Brown Style (TBS) gang.
Matatandaan na nasangkot din noong nakaraang taon ang isa pang apo ni Dolphy sa isang insidente na ikinamatay ng una.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended