Naging mabilis naman ang paghingi ng responde sa mga elemento ng Manila Police District Explosive Ordnance Division (MPD-EOD) ni Robert Ramirez, officer-in-charge ng 168-K9 Security Agency, para maiwasan ang anumang panganib na idudulot ng nasabing kahon.
Nabatid na dakong alas-10:30 ng umaga kahapon nang matagpuan ng mga dumaraan ang kahina-hinalang kahon sa isang overpass ng pagamutan sa Sta. Cruz, ng nabanggit na lungsod.
Agad namang nagresponde sa naturang lugar ang EOD team na sina SPO3 Efren Cruz, SPO2 Rolando Armendez, SPO1 Eusebio Zambrano Jr., PO2 Joseph Sunga at PO2 Eduard Raguindin at ininspeksyon ang laman ng kahina-hinalang package.
Napanatag naman ang lahat nang mabuksan ang nasabing package at matiyak na hindi bomba ang laman nito pero nahintakutan nang makitang bungo ito ng tao.
Samantala, kumbinsido naman ang pamunuan ng Manila EOD na maaaring nakatuwaan lamang ng mga medical students na nag-ieksperimento sa nasabing bungo na iwanan ito sa nasabing overpass. (Ludy Bermudo)