Kasalukuyan pang inoobserbahan sa pagamutan ang mga biktima na sina Fred Barles Sr., 56; asawa nitong si Elizabeth 57; mga anak na sina Freddie, 27; Fred Jr., 23; Rossell, 18; at isang kinilalang si Lolita Argonza na nasa hustong gulang na pawang naninirahan sa 144 Camias St., Amparo Subd., nabanggit na lungsod.
Nabatid na dakong alas-2 kamakalawa ng gabi nang magsalu-salo ang pamilya Barles sa pagkaing tilapia, tamban, corned beef at longganisa.
Dakong alas-2 naman ng madaling-araw ay halos sabay-sabay na nakaramdam ng pagkahilo, pananakit ng tiyan, pagdudumi at pagsusuka ang mag-anak.
May inisyal na teyorya naman ang mga manggagamot na posibleng isa sa dahilan ng pagkalason ng pamilya ay ang tubig na kanilang nainom na maaaring na-kontamina at naging sanhi ng kanilang dehydration.
Hanggang sa isinusulat ang balitang ito ay patuloy pang inoobserbahan sa East Avenue Medical Center (EAMC) sa Caloocan City ang mga biktima. (Rose Tamayo)