^

Metro

Drug test, alisin – FEJODAP

-
Ipinatatanggal ng transport group sa pangunguna ng Federation of Jeepney Operators and Drivers Association of the Philippines (FEJODAP) ang pagsasagawa ng drug test sa mga kukuha ng non-professional at professional driver’s license sa Land Transportation Office (LTO).

Ayon kay Zeny Maranan, national president ng FEJODAP, dapat na alisin ang requirement na drug test sa pagkuha ng drivers license dahil hindi naman ito umano nakakatulong para mabawasan ang mga addict na driver sa bansa.

Aniya, dagdag na gastos lamang ito sa mga nais na kumuha ng lisensiya at hindi naman namo-monitor ng mabuti ng Department of Health (DOH).

Iminungkahi din ni Maranan na kung hindi maaalis ang drug test bilang requirement, mas makabubuti na gawing taunan ang renewal ng drivers license. (Angie dela Cruz)

ANGIE

ANIYA

AYON

CRUZ

DEPARTMENT OF HEALTH

DRIVERS ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

IMINUNGKAHI

IPINATATANGGAL

LAND TRANSPORTATION OFFICE

MARANAN

ZENY MARANAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with