^

Metro

2 abogado, kinasuhan ng estafa

-
Kinasuhan ng estafa ng isang negosyante ang dalawang abogado kabilang na si Atty. Katrina Legarda, isa pang abogado at sariling magulang at hipag matapos na mabigo ang mga ito na ibalik sa una ang acceptance fee.

Ayon kay Wesy Quisumbing, may-ari ng Norkis, kinasuhan niya sina Legarda at Atty. Iris Bonifacio ng abuse of confidence sa pagsira ng confidential na mga usaping legal.

Bukod kina Legarda at Bonifacio, inireklamo din ni Quisumbing ang mga magulang nito na sina Norberto at Britta Quisumbing, hipag nitong si Elizabeth Quisumbing. Ang mga ito ay sinampahan ng kaso sa Cebu Regional Trial Court noong nakaraang Biyernes.

Sa panayam kay Wesy nabigo sina Legarda at Bonifacio na ibalik ang bahagi ng acceptance fee na nagkakahalaga ng P458,000 at ang mga orihinal na dokumento na naglalaman ng tala ng kanyang mga ari-arian matapos na iurong ng mga ito ang kanilang serbisyo. Ibinalik lamang umano ni Legarda ang halagang P18,282.00 bilang balanse sa P100,000 deposito.

Batay sa record Hulyo 2, 2002 ng ialok ni Legarda ang kanyang serbisyo kay Wesy upang hawakan ang preparasyon ng "Hodographic Will" sa halagang P500,000 bilang acceptance fee at monthly na retainer’s fee na P50,000.

Lumilitaw din na matapos ang retainership contract, naglabas pasok umano sa bansa sina Legarda at Bonifacio kasama ang iba pang ‘respondent’ kung saan ang mga travel at accommodation bills ay ikinarga umano kay Wesy ng walang pahintulot. (Doris Franche)

BONIFACIO

BRITTA QUISUMBING

CEBU REGIONAL TRIAL COURT

DORIS FRANCHE

ELIZABETH QUISUMBING

HODOGRAPHIC WILL

IRIS BONIFACIO

LEGARDA

WESY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with