^

Metro

Frustrated murder, illegal possession isinampa laban sa 14 Tadtad members

-
Labing-apat na miyembro ng kultong Tadtad ang sinampahan ng kaso sa Quezon City Prosecutor’s Office (QCPO) matapos na masugatan si PO3 Wilfredo Calinao ng Mobile Patrol Unit-Motorcyle Division (MPU-MCD) ng Quezon City Police District (QCPD) bunga ng away sa lupa kamakalawa ng umaga sa Fairview, Quezon City.

Ayon kay QCPD-CID chief, Supt. Popoy Lipana, kasong direct assault resulting to frustrated murder at illegal possession of firearms and explosives ang kinakaharap ng mga arestadong suspect na sina Jonathan at Felix Rabago, Romulo Lacaba, Jerwin Panuelo, Renante Uba, Rolando at Arnel Depaling, Florentino Palamos, Efren Verano, Romanio Gacale, Emmanuel Belardo, Buenaventura Tude, Arnulfo San Garios at Euralio Calpis.

Nakuha ng pulisya ang dalawang .45 caliber, isang 38 revolver at dalawang granada.

Samantala, nananatili namang nasa kritikal na kondisyon ang tatlo pang suspect na sina Celso Flores, 52; Joven Rabay, 22 at Marcelo Jaballa, 42. Ginagamot ang mga ito sa East Avenue Medical Center.

Matatandaan na sumiklab ang gulo sa pagitan ng grupong Tadtad at mga pulis nang humingi ng tulong ang negosyanteng si Angelito Dominguez dahil sa pang-aagaw umano ng lupa ng grupo na itinuturing din na professional squatters. (Doris Franche)

ANGELITO DOMINGUEZ

ARNEL DEPALING

ARNULFO SAN GARIOS

BUENAVENTURA TUDE

CELSO FLORES

DORIS FRANCHE

EAST AVENUE MEDICAL CENTER

EFREN VERANO

EMMANUEL BELARDO

EURALIO CALPIS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with