2 dedo, 3 grabe sa holdap
December 16, 2005 | 12:00am
Dalawa katao ang namatay habang tatlo naman ang nasugatan makaraang pagbabarilin ang mga ito ng tatlong armadong kalalakihan na sakay ng motorsiklo sa magkasunod na panghoholdap sa Marikina City.
Kinilala ang mga nasawi na sina Gaudencio Crusado, 51at Francisco Almariego, 38 kapwa residente ng Concepcion Dos at nagtamo ng mga tama ng bala ng baril sa ibat ibang bahagi ng katawan.
Nasa kritikal na kondisyon naman si Rosendo Cainoy na kasama ni Crusado, Geraldine Beatrix at Jaime Trinidad.
Batay sa ulat, dakong alas-8:20 ng gabi nang harangin ng tatlong armadong suspect na sakay ng motorsiklo ang Suzuki Carry van nina Crusado at Cainoy at saka nagpahayag ng holdap sa kanto ng Lilac at Gen. Ordoñez Sts. Brgy. Concepcion II, Marikina City.
Sa halip na ibigay ang pera, pinasibat ni Crusado ang sasakyan subalit sinundan naman ng mga suspect hanggang sa abutan at pagbabarilin.
Tinamaan naman ng ligaw na bala sina Beatrix at Trinidad na nooy naglalakad sa nabanggit na lugar.
Makalipas ang 30 minuto ay patay din sa nasabing mga holdaper si Almariego habang naghihintay ng masasakyan sa Everlasting St. hindi kalayuan sa pinagholdapan kina Crusado.
Nagsasagawa naman ng masusing imbestigasyon ang pulisya upang matukoy ang grupo na responsable sa mga insidente. (Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am