Ito naman ang nabatid mula kay Atty. Batas Mauricio, legal counsel ng ADD sa pagsasabing walang katotohanan ang paratang na may nakuhang mga armas sa convention ng ADD.
Ayon kay Mauricio, dapat na ilantad ng mga pulis ang mga baril na kanilang nakumpiska. Tanging ang mga security forces ng convention ang mga may baril subalit kumpleto ang papeles at dokumento ng mga ito.
Kinuwestiyon din ni Mauricio ang kawalan ng pag-imbentaryo sa mga kagamitang kinuha ng mga pulis kung kayat mas malabo ang isyu na may ilegal na armas.
Bukod dito, walang karapatan ang mga nasabing pulis na salakayin ang convention dahil arrest warrant ang hawak ng mga ito at hindi search warrant.
Dahil dito hiniling ni Mauricio sa PNP na isailalim sa imbestigasyon ang mga pulis at ginawang harassment tactics sa nasabing religious group. (Doris Franche)