^

Metro

Kulto vs pulis: 4 patay, 4 sugatan

- Doris Franche-Borja -
Patay ang apat na miyembro ng kultong Tadtad matapos na makipagbarilan sa mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) habang apat din ang sugatan na kinabibilangan ng isang pulis kahapon ng umaga sa Fairview, Quezon City.

Kasabay nito, naaresto din ng pulisya ang may 14 pang katao na sinasabing miyembro din ng Ilaga Group. Ang mga ito ay dinala sa Kampo Karingal at sasampahan ng kaukulang kaso.

Nakilala ang mga nasawi na sina Reynaldo Depaling, 38, umano’y lider ng kultong Tadtad; Moreno Depaling, Sergio Bakwa at Gilbert Aguilar. Ang mga suspect ay nagtamo ng mga tama ng bala ng baril sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Habang nasa kritikal na kondisyon naman sa East Avenue Medical Center sina Celso Flores, 52; Joven Rabay, 22 at Marcelo Jaballa, 42.

Sugatan din si PO3 Wilfredo Calinao ng Mobile Patrol Unit-Motorcyle Division (MPU-MCD) nang hagisan ng granada ng mga suspect.

Ayon kay QCPD director Chief Supt. Nicasio Radovan, Jr. naganap ang insidente dakong alas 10:30 ng umaga sa panulukan ng Dinar at Peseta Sts. North Fairview Subdivision Phase 8, North Fairview, Quezon City.

Sa panayam sa negosyanteng si Angelito Dominguez, 45, sisimulan na niya ang konstruksiyon sa kanyang pag-aaring lote nang tutulan ng mga suspect kasabay ng paglalabas ng mga baril at mga granada.

Dahil dito, agad na humingi ng tulong si Dominguez sa mga pulis kung saan agad ding nagresponde ang mga tauhan ng MPU-MCD at Special Weapons and Tactics Team (SWAT) ng QCPD.

Nabatid na pinakiusapan ni Chief Insp. Medel Pone ng SWAT ang mga suspect na lumabas ng maayos at isuko ang kanilang armas subalit agad na silang sinabuyan ng mga ito ng asido kasabay ng paghahagis ng granada ng dalawang ulit.

Bunga nito napilitan namang gumanti ang mga pulis hanggang sa bumulagta ang apat na suspect.

Idinagdag ni Radovan na land grabber ang mga suspect at nambibiktima ng mga nais na magkaroon ng sariling bahay. Posible ding ang mga suspect ay sangkot sa iba pang illegal activities tulad ng kidnapping at carnapping.

vuukle comment

ANGELITO DOMINGUEZ

CELSO FLORES

CHIEF INSP

CHIEF SUPT

EAST AVENUE MEDICAL CENTER

GILBERT AGUILAR

ILAGA GROUP

JOVEN RABAY

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with