^

Metro

Roldan nadiin sa tape

-
Ipinarinig kahapon sa korte ang taped conversation na magdidiin na nakipagnegosasyon si dating Quezon City Congressman at aktor na si Dennis Roldan sa nanay ng batang Tsinoy sa pagpapatuloy ng kasong kidnapping na kinakaharap ni Roldan at iba pa.

Naging madamdamin naman ang pagharap sa witness stand ni Jenny Yu, nanay ng kidnap victim na si Kenshi Yu nang magbigay ito ng testimonya sa sala ni Judge Agnes Carpio ng Pasig City Regional Trial Court (RTC) Branch 261.

Luhaang isinalaysay ni Jenny ang kanyang testimonya ng pakikipag-usap nito sa telepono sa mga kumidnap sa kanyang anak mula Pebrero 9 hanggang 19.

"Sinabi niya sa akin na tutusukin niya ang ari ng anak ko hanggang sa mapudpod kapag hindi namin ibinigay ang hinihingi nila," saad ni Jenny.

Lalong namuo ang tensiyon sa loob ng korte nang isalang na sa korte ang tape at hindi napigilan ni Roger Yu, ama ng biktima, nang marinig ang pag-iyak ng kanyang anak, sinipa nito ang silya sa kanyang harapan sabay tingin sa akusadong si Roldan at sinabing, "Bata lang ang kaya n’yong patulan," dahilan ng palitan ng maaanghang na salita ng kapatid ni Roldan na si Isabel Rivas at Roger Yu.

Ayon kay Atty. Mario Ongkiko, abogado ng mga Yu, ang testimonya ni Jenny ay nagtugma sa nauna nang testimonya ni Albert Pagdanganan, isa sa mga akusado na bumaligtad at tumayong state witness.

Ilan sa mga testimonya ni Jenny ay paghingi ng P250 milyon ransom money ng mga kidnapper na bumaba hanggang sa P3 milyon. Sinabi rin nito na ang lahat ng impormasyon sa kanilang pamilya ay nakuha sa pamamagitan ni Suzette Wang, isa sa mga mastermind ng kidnapping na girlfriend ni Roldan at kaibigan ng mga Yu. (Edwin Balasa)

ALBERT PAGDANGANAN

DENNIS ROLDAN

EDWIN BALASA

ISABEL RIVAS

JENNY YU

JUDGE AGNES CARPIO

KENSHI YU

MARIO ONGKIKO

ROGER YU

ROLDAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with