^

Metro

Chinese kinatay ng mga kapwa Chinese

-
Sigalot sa negosyo ang pangunahing dahilan nang sinasabing pagpapatayan ng ilang Chinese sa bansa matapos na matagpuan ang bangkay ng isang casino financier na itinapon sa Macapagal Avenue sa Pasay City, kamakailan.

Nakilala ang biktima na si Shi Bun Tok, alyas Emerson Sy, financier ng casino sa Hyatt Hotel sa Maynila. Nagtamo ito ng malalalim na sugat sa kanyang leeg na halos ikahiwalay ng kanyang ulo sa katawan.

Naaresto naman ng NBI Special Task Force sa pamumuno ni director Reynaldo Esmeralda ang isa sa mga suspect na nakilalang si Allan Sy Mendoza, 37, negosyante, ng 31 Skylab St. Moonwalk Subdivision, Marcos Alvarez St., Las Pinas City.

Pinaghahanap pa ang iba pang suspect na sina Lee Wei Jiang, alyas Anthony Lee, pinaniniwalaang utak sa krimen; Hua Hong, alyas Xiao Feng; William Co; isang alyas Oti at isa pang hindi nakikilalang salarin.

Nabatid sa ulat na nitong nakalipas na Nobyembre 30, nakipag-inuman ang biktima sa mga suspects sa Ceasar’s KTV sa Pan Pacific Hotel kung saan may dala pa itong P200,000.

Nang malasing na ang biktima ay kinuha ni Anthony Lee ang bag ni Shi Bun Tok at saka isinakay ang huli sa isang kotse na hindi alam ng bodyguard nito.

Isang saksi ang nagsabi na isinakay ang biktima sa kulay abong Honda Civic na may plakang VHX-956 na pag-aari ni Allan Sy. Dakong alas-6 ng umaga ng Disyembre 1, natagpuan ang bangkay ng biktima sa likod ng isang restaurant sa Macapagal Avenue sa Pasay City.

Sinabi ni Esmeralda na nakatanggap sila ng impormasyon na tatakas palabas ng bansa si Allan Sy. Agad namang nagtungo ang mga ahente sa Ninoy Aquino International Airport kung saan naaresto ito nang ma-hold ito ng airport police makaraang mahulihan ng bala ng pistol sa loob ng bag.

Itinuro naman ng mga kaanak ng biktima na si Anthony Lee ang utak sa krimen dahil sa agawan sa posisyon bilang casino financier sa bansa, habang may utang naman na P13 milyon si Allan Sy sa biktima.

Nabatid pa na nagpa-book na sa NAIA si Lee patungo sa Singapore ngunit ipina-cancel niya ito matapos na malaman na wanted na siya ng NBI. (Danilo Garcia)

vuukle comment

ALLAN SY

ALLAN SY MENDOZA

ANTHONY LEE

BIKTIMA

DANILO GARCIA

EMERSON SY

HONDA CIVIC

MACAPAGAL AVENUE

PASAY CITY

SHI BUN TOK

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with