Robbery, bribery isinampa vs Jaylo at 11 pa
December 12, 2005 | 12:00am
Sinampahan ng Department of Justice (DOJ) ng mga kasong robbery at bribery sa Manila Regional Trial Court (RTC) si dating police Capt. Reynaldo Jaylo dahil sa umanoy pangingikil nito ng P200,000 mula sa isang mag-asawa na hinuli at ikinulong ng Presidential Anti-Illegal Recruitment Task Force (PAIRTF) na pinamumunuan ni Jaylo, noong nakaraang Oktubre.
Ayon kay Senior State Prosecutor Emmanuel Velasco, may nakitang probable cause o legal basis para sampahan ng kasong bribery si Jaylo na walang kaukulang piyansa at robbery in band dahil sa partisipasyon nito kasama ang kanyang 11 tauhan ng panghihingi ng P200,000 sa mag-asawang sina Jerome France at Mary Jane noong Oktubre 7, 2005.
Napag-alaman na ang mag-asawang France ay inaresto ng mga tauhan ni Jaylo dahil sa large scale illegal recruitment.
Sinabi pa ni Velasco na nakapagbigay na umano ang mag-asawang France sa mga tauhan ni Jaylo ng P60,000 bilang paunang bayad sa hinihinging P200,000.
Noong Oktubre 12 ay muling siningil ng mga tauhan ni Jaylo ang mag-asawa ng balanse na P140,000 at dito napagkasunduan na sa isang restaurant sa Pasig City dadalhin ang nasabing halaga.
Agad namang isinuplong ng mag-asawa sa awtoridad ang mga tauhan ni Jaylo at sa tulong ng National Bureau of Investigation (NBI) ay naaresto ang mga ito.
Iginiit naman ng mga naaresto na sila ay mga ahente ng PAIRTF sa ilalim ng superbisyon at direct control ni Jaylo nang sila ay arestuhin.
"Thus in essence, respondent Jaylo is being implicated not only by the complainants, but even by his own men", pahayag pa ni Velasco.
Inakusahan naman ni Jaylo sa kanyang counter-affidavit na "fabricated o gawa-gawa lamang umano ng mga ahente ng NBI ang akusasyon laban sa kanya at sa 11 niyang tauhan. Hindi naman kinatigan ni Velasco ang naturang pahayag ni Jaylo.
"He (Jaylo) could not, nor his men could, satisfactorily explain why his men were inside a restaurant at Pasig City on Oct. 12, 2005 with supposed detainee in tow. A detainee should be inside a cell and not at a restaurant with his apprehender, in the evening at that," ayon pa kay Velasco.
Sinabi pa ni Velasco na hindi maikunsidera na lehitimo ang isinagawang operasyon ng mga tauhan ni Jaylo laban sa mag-asawang France dahil ito ay isinagawa pagkatapos ng July 9, 2005 kung saan buwag na ang PAIRTF.
Kasama ni Jaylo na sinampahan ng mga kasong robbery in band at qualified bribery sina police officers Santiago Sy, Romeo Noriega, Francisco Quito at Dexter Ramile; investigating officer Mercy Grace Gamores, Allan Tubil, Ruel Lontoc, Rolando Arce, Nelson Manalang Ferrer, Ricardo Duque at Christopher Lucero.
Walang kaukulang piyansa para kay Jaylo at mga tauhan nito sa kasong qualified bribery, bagamat nag-rekomenda naman ang DOJ ng P100,000 piyansa bawat isa sa kanila sa kasong robbery in band.
Sinampahan na rin kamakailan ng DOJ ng serious illegal detention si Jaylo at 8 nitong mga tauhan dahil sa ilegal na pagkulong sa ilang personahe na kanilang inaresto kamakailan.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended