Dalaga tinodas ng bf na pulis
December 11, 2005 | 12:00am
Isang bala ng baril sa ulo ang tumapos sa buhay ng isang 23-anyos na dalaga makaraang pagbabarilin ito ng kanyang lover na pulis matapos na umanoy hindi matanggap ng suspect nang ipagpalit siya ng una sa isang snatcher, kamakalawa ng hapon sa Quezon City.
Hindi na umabot pa ng buhay sa Quezon City General Hospital ang biktima na si Jennilyn Baloca, ng #163 Progreso St., Brgy. Bagong Barrio, Caloocan City.
Kasalukuyan namang target ng manhunt operation ang suspect na si PO1 Tirzo Rabina, nakatalaga sa QCPD-La Loma Station at nakatira sa Brgy. Sauyo, Quezon City na mabilis na tumakas matapos ang insidente dala ang kanyang ginamit na baril sa pamamaslang sa biktima.
Sa paunang ulat ni PO3 Mario Turiano ng QCPD-Criminal Investigation Division, naganap ang insidente dakong ala-1 ng hapon sa E. Bonifacio Park, Brgy. Balingasa, Quezon City.
Napag-alaman na matagal na umanong iniiwasan ng biktima ang suspect dahil sa sobrang pagka-seloso nito.
Matagal na umanong naghihinala ang suspect sa nobya na posibleng may ibang kinahuhumalingan na ang huli kaya niya umano ito kinompronta sa harapan ng mga kaibigan nito na sina Mary Ann Gadua at Monica Ela.
Ayon naman kina Gadua at Ela makaraang tanungin umano ng suspect ang kanyang nobya ng mga katagang "bakit mo ito nagawa sa akin at bakit mo ako ipinagpalit sa isang pangit na snatcher", ay agad na binaril ng suspect nang malapitan sa ulo ang nobya na naging sanhi ng agaran nitong pagkasawi.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am