^

Metro

Tindahan ng nakaw na cellphone ni raid

-
Sinalakay ng mga tauhan ng Quezon City Police District-District Intelligence and Investigation Division (QCPD-DIID) ang 10 stalls na umano’y nagbebenta ng mga nakaw na cellphones sa loob ng isang shopping mall sa Quezon City.

Sa bisa ng search warrant na inisyu ni QCRTC Judge Alexander Balut, pinasok ng mga tauhan ni Sr. Supt. Roger James Brillantes ang Stall nos. 3, 5, 8, 10, 12, 14, 15, 16, 17 at 18 dakong alas-9:10 ng gabi sa ikalawang palapag ng Ever Gotesco sa Commonwealth Ave., Quezon City.

Nakuha naman dito ang iba’t ibang mga unit ng Nokia cellphone, batteries at charger. Kasalukuyan itong sumasailalim sa inventory ng pulisya.

Ayon kay Brillantes, ang kanilang pagsalakay ay bunsod na rin ng mga reklamo sa kanilang tanggapan na sa nasabing lugar dinadala ang mga nakaw na cellphone. Aniya, maging ang mga biktima ng snatching at holdap ay nagsasabing ito umano ang lugar ng bagsakan ng mga nakaw na cellphone. (Doris Franche)

ANIYA

COMMONWEALTH AVE

DORIS FRANCHE

EVER GOTESCO

JUDGE ALEXANDER BALUT

QUEZON CITY

QUEZON CITY POLICE DISTRICT-DISTRICT INTELLIGENCE AND INVESTIGATION DIVISION

ROGER JAMES BRILLANTES

SR. SUPT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with