Senior citizens sa Pasig may bonus din
December 10, 2005 | 12:00am
Hindi lang mga empleyado ng Pasig City ang liligaya ngayong darating na Pasko matapos na ianunsyo ng pamunuang lungsod na pati ang mga senior citizen ay makakakuha rin ng pera sa kanila.
Ayon kay Pasig City Mayor Vicente "Enteng" Eusebio na bukod sa 14th month pay na makukuha ng may 4,160 empleyado ng Pasig ay makakatanggap din ng tig-P1,000 ang may 18,000 senior citizen sa buong lungsod.
"Ito ay isang regalo buhat sa City Hall, dahil sa hindi lang naman sa bata ang Pasko kundi kasama rin ang mga matatanda," pahayag ni Eusebio.
Upang makuha ang nasabing pera ay kinakailangan lang magtungo ang mga senior citizen sa kani-kanilang barangay hall at ipakita ang kanilang senior citizen card.
Nabatid pa sa alkalde na kaya nagbigay ng 14th month sa mga empleyado at regalo para sa mga senior citizen ang pamunuang lungsod ay dahil nahigitan pa nila ang kanilang tax collection target ngayong taon dahil sa pagpasok ng mga bagong negosyo sa lungsod. (Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended