Vendors sa mga overpass, wawalisin
December 10, 2005 | 12:00am
Ito ang kautusang ipinalabas kahapon ni Quezon City Mayor Feliciano Belmonte Jr. bilang tugon sa mga sunud-sunod na reklamo hinggil sa mga parang kabuteng pagsusulputan ng mga illegal vendors sa ibat ibang overpass sa lungsod.
Sa kanyang executive staff meeting na ginanap sa QC Polytechnic University sa Brgy. San Bartolome, Novaliches, inatasan ni Belmonte si Market Development at Administration Department Chief Neil Lina Jr. na unahing linisin ang mga overpass sa kahabaan ng Manggahan at Litex Road sa Commonwealth Avenue at Philcoa.
Kapansin-pansin umano ang mga overpass sa dalawang nabanggit na lugar na ginagawa na ring tahanan ng mga illegal vendors.
Bukod dito, nagiging taguan din ng mga snatchers, mandurukot, holdaper ang ilang mga overpass. (Angie dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended