^

Metro

Utol ng nasawing carjacker nagsalita na

-
Sa kauna-unahang pagkakataon ay humarap na sa mga mamamahayag ang isa sa pamilya ng tatlong pinaghinalaang mga carjacker na napatay ng mga tauhan ng Traffic Management Group (TMG) sa umano’y shooutout sa Ortigas Center, Pasig City, isang buwan na ang nakalilipas.

Sa isang press conference na ginanap sa Astoria Plaza sa Pasig City kahapon, sinabi ni Jennifer Manzano, 37, na hindi kailanman naging kriminal ang kanilang bunsong kapatid na si Francis Xavier Manzano, 26, isa sa tatlong pinaghihinalaang mga carjacker na napatay ng mga TMG sa umano’y shootout noong Nobyembre 7.

"Our family is law-abiding and God-fearing, we were raised well by our parents and family members who inculcated in high moral standard and values, Francis FX to us, was many things, but he was not a criminal, he was not a carjacker," madamdaming pahayag ni Jennifer.

Sinabi din nito na hindi nila kinokondena ang pamunuan ng Philippine National Police (PNP) dahil karamihan sa mga ito ang nagseserbisyo ng may dangal subalit sinabi nito na hindi nila puwedeng takpan ang kanilang mga mata sa video footage na nakuha ng isang istasyon.

Matatandaang napatay si Manzano, 2nd year college student sa Thames Business School, kasama si Brian Anthony Dulay at Antonio Cu-Unjing sa umano’y shootout laban sa mga tauhan ng TMG noong Nobyembre 7 ng gabi sa kahabaan ng Emerald St., Ortigas Center. (Edwin Balasa)

ANTONIO CU-UNJING

ASTORIA PLAZA

BRIAN ANTHONY DULAY

EDWIN BALASA

EMERALD ST.

FRANCIS XAVIER MANZANO

JENNIFER MANZANO

NOBYEMBRE

ORTIGAS CENTER

PASIG CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with