Ang panawagan ay kasabay ng selebrasyon ng "Education Week" ngayong linggo sa ilalim ng ipinalabas na memorandum ng Department of Education (DepEd). Ito ay idinaraos tuwing unang linggo ng Disyembre.
Ayon kay Gonzales, lalong bababa ang kalidad ng edukasyon sa bansa sakaling patuloy na mangibang-bayan ang mga guro sa bansa. Dagdag nito, karamihan pa umano sa mga nangingibang-bansa ay ang mga may matataas na credentials sa pagtuturo na nagreresulta sa pagbaba ng sistema ng edukasyon.
Gayunman, sinabi ng alkalde na hindi masisisi ang mga guro na iwanan ang bansa at mamasukan kahit bilang domestic helper dahil sa mas malaking suweldo at benepisyo ang maaaring kitain sa mga mayayamang bansa tulad ng Estados Unidos. "Ang mga Pilipinong guro ang pinakamagaling pa rin sa lahat kahit saang bansa dalhin ang mga ito. Kaya hindi kataka-taka na maging ang mga Amerikano ay pinipili ang mga Pilipinong guro," anito.