Parak timbog sa pananaksak
December 9, 2005 | 12:00am
Isang pulis ang dinakip ng kapwa niya pulis makaraang manaksak ng isang 19-anyos na binata na nakabanggaan nito, kahapon ng madaling-araw sa Quezon City.
Kasalukuyang nakakulong ang suspet na nakilalang si SPO4 Gil Reyes ng District Support Service Unit ng QCPD, habang ginagamot naman sa Quirino Memorial Hospital ang biktima nitong si Romulo Daza, ng Banawe Avenue, Brgy. San Martin de Porres, Cubao at empleyado ng Manpower Advertising Service Agency.
Si Reyes ay nahaharap sa kasong frustrated homicide at illegal possession of deadly weapon.
Sa imbestigasyon ng pulisya, naganap ang insidente dakong ala-1 ng madaling-araw sa panulukan ng Banawe at Arayat Sts. ng nasabing barangay.
Lumilitaw na nagkabanggaan ang biktima at ang suspect na pulis na ikinagalit ng huli.
Bagamat humingi ng paumanhin ang biktima sa pulis, hindi ito pinansin bagkus naglabas ng patalim at saka tinarakan sa tagiliran ang biktima. (Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest