4 miyembro ng Blondie hold-up gang, timbog
December 9, 2005 | 12:00am
Apat na miyembro ng "Blondie robbery hold-up gang" na paboritong holdapin ay mga estudyante ang naaresto ng pulisya sa isinagawang follow-up operation, kamakalawa ng hapon sa Caloocan City.
Kinilala ni Supt. Mario de Asis Ramos, hepe ng Northern Metro Manila Criminal Investigation and Detection Team ang mga naaresto na sina Arnel Arcela, 22; Reynaldo Castillo, 18; Mark Arnel, 18; at Amado Sobiono, 21, na sinasabing lider ng grupo.
Ayon kay Ramos, nagtungo sa kanilang tanggapan si Rico Rosido, 4th year student ng Macario Asistio B. High School na nasa Pampano St., Caloocan City at sinabi ang ginawang panghoholdap sa kanya ng grupo ni Sobiono.
Dakong alas-2 ng hapon, pinuntahan ng pulisya ang nasabing paaralan at naaktuhan nila ang apat na suspect na nag-aabang na namang ng mabibiktima.
Sa headquarters ng pulisya, isa-isang nagsilutang ang mga naging biktima ng "blondie group" para magsampa ng reklamo laban sa mga suspect.
Modus-operandi ng mga suspect ang tumambay sa gate ng mga paaralan at doon mag-aabang ng kanilang bibiktimahing mag-aaral.
Kadalasang cellphone at pera ang target ng mga ito sa mga estudyante. (Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended