Cop killer, dedo sa police escort
December 8, 2005 | 12:00am
Patay ang isang lalaki na suspect sa pamamaril at pamamaslang sa isang pulis makaraang magtangkang mang-agaw ng baril makaraang i-inquest ito kahapon ng hatinggabi sa Quezon City.
Namatay noon din ang suspect na nakilalang si Abelardo Buluran, 23, ng Gudon St., Brgy. Sauyo, Quezon City sanhi ng tinamong mga tama ng bala ng baril sa katawan.
Base sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-12:10 sa parking lot ng Hall of Justice sa Quezon City.
Nabatid na katatapos lamang na i-inquest ang suspect sa kasong murder kasama ang mga escort na pulis nang bigla na lamang nitong agawin ang baril ng isa niyang escort na si PO3 Robinson Pico .
Naagapan naman ng mga kasamahang pulis ni Pico ang tangkang pamamaril ng suspect at inunahan nila ito hanggang sa mapatay.
Batay sa rekord, si Buluran ay isa lamang sa limang suspect na bumaril at nakapatay sa pulis na si SPO2 Randulf Gulferic sa loob ng bilyaran nito sa may Lilac St. West Fairview, Quezon City noong Lunes. (Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended