4 sugatan sa baril ng parak
December 8, 2005 | 12:00am
Posibleng matanggal sa serbisyo ang isang bagitong pulis nang aksidente nitong kalabitin ang kanyang service firearm habang nasa mataong lugar ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na nagresulta sa pagkakasugat ng apat na katao.
Naganap ang insidente dakong alas-10: 30 ng umaga kahapon sa departure area ng NAIA.
Ang mga sugatang biktima ay nakilalang sina Gaudiosa Villanueva, empleyado ng National Treasury; Sherwina Akmed, pasahero ng Saudia Air; Marites Cornell, pasahero ng China Airlines at Maymona Bulhin, isang well wisher.
Sila ay pawang nagtamo ng tama ng splinter ng bala sa braso at binti at pansamantalang naka-confine sa medical clinic ng NAIA.
Nakilala naman ang pulis na si PO3 Gregorio Lazo Gale, nakadestino sa Mobile Unit ng Quezon City Police District.
Nabatid na inihatid ni Gale ang kanyang asawa sa airport na aalis patungo sa Saudi.
Nang bumaba ang pulis at ang kanyang asawa sa taxi, binunot ng una ang kanyang .45 cal, tinanggalan ng magazine, ikinasa , itinutok sa ibaba at saka kinalabit na hindi nito inakala na may natirang bala na nagsanhi ng pagputok nito.
Ang mga biktimang tinamaan ay malapit lamang sa kinatatayuan ng pulis kung kayat sila ay tinamaan ng nagpira-pirasong bala.
Inihahanda na ng PNP-ASG ang kasong isasampa nila laban kay Gale dahil sa kapabayaan nito sa paghawak ng baril. (Butch Quejada)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended