^

Metro

Pamilya nasagip sa sunog

-
Malubhang nasugatan ang isang padre-de-pamilya matapos na tumalon buhat sa rooftop ng tatlong palapag nilang bahay nang matupok ito ng isang sunog sa Paco Maynila, habang isa pang sunog ang tumupok naman sa higit sa 20 kabahayan sa Tondo, Maynila.

Ginagamot na ngayon sa Ospital ng Maynila ang biktimang si Horacio Castillo, 36, matapos na mabali ang binti nito dahil sa pagtalon habang nasa state of trauma naman ang asawa nitong si Carmina, mga anak na sina Horacio III at Fatima at mga katulong na nakilala lamang sa pangalang Josie at Lilia.

Sa ulat ng Manila Fire Department, nag-umpisa ang sunog dakong alas-3:35 ng madaling-araw sa ikalawang palapag ng bahay kung saan naroroon ang kuwarto ng mga katulong sa 1137 J. Nakpil at Singalong St., Paco.

Mabilis na kumalat ang apoy sa una at ikalawang palapag ng gusali kung saan napuwersa ang mag-anak na Castillo na manatili sa ikatlong palapag kasama ang dalawang katulong.

Nabatid na unang tumalon sa rooftop si Horacio para makahingi ng tulong, habang nailigtas naman ng mga bumbero ang mga kapamilya ng una.

Umabot naman sa ikalimang alarma ang naturang apoy at tinatayang may P500,000 ang natupok. Dakong alas-6:25 na ng umaga nang tuluyang maapula ng mga bumbero ang naturang sunog.

Dakong alas-11:10 naman ng tanghali nang sumiklab ang isa pang sunog sa may del Pilar St., Tondo kung saan mahigit sa 20 kabahayan ang natupok. Nasawata naman ang apoy dakong alas-12:22 ng hapon kung saan higit sa P1 milyon ang natupok ng sunog. Masuwerte naman na walang nasawi at nasugatan sa pangalawang insidente ng sunog. (Danilo Garcia)

vuukle comment

DAKONG

DANILO GARCIA

HORACIO

HORACIO CASTILLO

MANILA FIRE DEPARTMENT

MAYNILA

NAMAN

PACO MAYNILA

PILAR ST.

SINGALONG ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with