^

Metro

3 pa kinasuhan sa Nida Blanca murder

-
Tatlong akusado ang idinagdag ng Department of Justice (DoJ) sa kasong brutal na pagpatay sa beteranang aktres na si Nida Blanca.

Sa ipinalabas na 23-pahinang resolution ng DoJ, isinama sa kasong murder sina Ret. General Galileo Kintanar bilang accessory sa kaso, ang kaibigan ng aktres na si Elena dela Paz bilang accomplice at si Mike Martinez bilang principal accused.

Pinagbatayan ng panel na nagsagawa ng imbestigasyon sa nasabing kaso ay ang umano’y pagtutugma ng pahayag ng mga witnesses na sina Ronnie Francisco at Andrada "Anji" Dalandas kung saan kapwa umano nakilala ng mga ito sina Martinez at dela Paz ng gabing dalhin si Blanca sa 6th floor-parking area ng Atlanta Centre.

Habang si Martinez naman ay nabigo umanong magsumite ng kanyang counter-affidavit kung saan hudyat na isinusuko na nito ang karapatan na magbigay ng kanyang panig laban sa kasong isinampa laban sa kanya.

Gayunman, hindi nasiyahan ang kampo ng anak ni Blanca na si Kay Torres kaya’t "uminit ang ulo" nito sa naging resolution ng DoJ kung kaya’t maghahain ang abogado nito na si Atty. Harriet Demetriou ng motion upang mabago ang ilang bahagi ng resolution.

Kinuwestiyon din ni Demetriou ang pagiging accessory ni Kintanar sa nabanggit na kaso dahil dapat umano na kasama ito sa mga principal accused dahil tao nito si Philip Medel at ito pa ang bumili ng sasakyan upang gamitin sa pagsubaybay kay Blanca.

Aniya, nakakapagtaka rin umano na nakasama sa kaso si dela Paz dahil lamang sa testimonya ng isang testigo habang si Kintanar ay napakarami umanong nagpapatunay na sangkot ito sa naturang kaso.

Hiniling pa rin ng kampo ni Torres na buwagin na lamang ang panel na itinalaga ng prosecution dahil sa hindi umano patas ang ipinalabas na resolution.

Sinabi naman ni Justice Secretary Raul Gonzalez na pag-aaralan niya ang motion at kahilingan ng kampo ni Torres at aaksiyunan kung mayroong mabigat na ebidensiya.

Una nang sinampahan ng kasong murder sa Pasig City Regional Trial Court (RTC) ang asawa ng nabanggit na aktres na si Rod Lauren Strunk at Philip Medel makaraang aminin ng huli na siya ang responsable sa pagpatay kay Blanca. (Grace Amargo dela Cruz)

ATLANTA CENTRE

DEPARTMENT OF JUSTICE

GENERAL GALILEO KINTANAR

GRACE AMARGO

HARRIET DEMETRIOU

JUSTICE SECRETARY RAUL GONZALEZ

KAY TORRES

KINTANAR

PAZ

PHILIP MEDEL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with