1 patay, 3 sugatan sa nagwalang kapitbahay
December 6, 2005 | 12:00am
Isa ang nasawi, habang tatlo ang nasugatan nang paputukan ng shot gun ng nagwalang kapitbahay, kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.
Patay na nang idating sa Manila Central University Hospital sanhi ng tama ng shrapnel sa mukha si Ador Garcia, 37, house painter ng 128 Progreso St., Bagong Barrio ng nasabing lungsod.
Ginagamot naman sa nasabing pagamutan sina Isagani Miguel, 33; Gilbert Casin, 36 at Alfredo Nacionales, 33.
Pinaghahanap naman ng pulisya ang suspect na si Virgilio Dalisay, 35, ng nabanggit ding lugar.
Batay sa ulat, dakong alas-8:30 ng gabi nang maganap ang insidente sa tapat ng bahay ng suspect.
Napag-alaman na bago ang insidente, kausap ng mga biktimang sina Garcia at Miguel ang kapatid ng suspect na si Generoso nang biglang lumabas ang suspect na may dalang shotgun at agad na pinaputukan ang biktima.
Kahit na may tama ay nagawang makatakbo ng nasawi subalit hinabol pa ito ng suspect at muling pinutukan na nagsanhi sa kamatayan nito.
Mabilis na tumakas ang suspect matapos ang isinagawang krimen. Sinasabing matagal nang may galit ang suspect sa nasawi kung saan minalas na madamay ang tatlo pang sugatang biktima. (Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended